Friday, May 16, 2008

MOTHER? WIFE? MYSELF?


sabi nila... "im a good mother" daw
i take care of my kid... lalo na pag may sakit
i discipline my kid... minsan palo, madalas lecture... minsan, madalas, ako pa nga ang na-iiyak eh!
i love my kid... kahit na gutom ako,yung food ko, bigay ko na lang sa kanya... kahit sya pa yung busog! hehehe

pero sabi ng asawa ko... "im a bad mother" daw
i dont have enough money to feed my kid... sabi nya... maliit lang kasi sweldo ko eh
i dont make time for my kid... call center kasi trabaho ko... minsan pag uwi ng anak ko from school... tulog ako
i dont love my kid daw... kasi di ko kayang bilhin mamahaling gamit for her

kanino ba ako makikinig?

sabi nila... "im a good wife" daw
i stop everything for my husband... pag may utos or sakit ang asawa ko... SL agad ako sa office... minsan sobrang dami na nga ng SL ko... nakakahiya na
im faithful to my husband... kahit di naman ako kagandahan, may mga temptations din... pero parang drugs... I SAY NO! hehehe


pero sabi ng asawa ko... "im a bad wife" daw
lagi daw akong sumasagot... di ka ba sasagot pag medyo naiinsulto ka na?
inaasa ako lang sa maid daw ang pag luto... call center nga kasi ang trabaho ko... madalas di ako nakakapag luto ng umagahan... madalas din... dahil siguro sa pagod... di rin ako nakakapag luto ng gabihan... pero kaya nga may maid, diba?


kanino ba ako makikinig?


sabi nila... "im a good" person daw
laging masaya... kahit mabigat ang problema... tawa lang
matalino... madali kasi akong matuto... atsaka, for some reason, madali akong mag memorize ng mga numbers, madaldal... makulit kasing akong tao, kahit di ako umiinom, mas makulit pa ako sa lasing! hehehe


pero sabi ng asawa ko... "im a bad person" daw
mataba kasi ako... siguro kasi hindi ako sexy kaya masama akong tao
wala daw akong pakialam sa mga tao... ang sa akin lang naman: respeto lang... let others be... basta walang masamang ginagawa ang iba sa akin... keri lang! anong paki ko sa long hair mo... kung dyan ka masaya, go ako! parang ganoon ang motto ko eh!

kanino ba ako makikinig?